Inday Sara Duterte-Carpio, Kumpirmadong tatakbo bilang pagka Mayor sa kanyang ikalawang termino sa Lungsod ng Davao sa susunod na 2019 midterm election.



Samantalang pinagpipilian pa ngayon ng Partidong Hugpong ng Pagbabagong kung sino ang magiging running mate ni Mayor Inday sa pagitan ni January Duterte at ang kasalukuyang Vice Mayor na si Bernard Al-ag.



Si  January Navares-Duterte ay ang ikalawang asawa ni Paolo 'Polong' Duterte na ikinasal noong December 15, 2010 sa isang Civil Wedding Ceremony at may dalawang anak na sina Sabina Duterte at Paolo Duterte II.



Ayon naman ng kasalukuyang Vice Mayor na si Bernard Al-ag na tatakbo siya bilang Vise Mayor ngunit kung ano ang magiging desisyon ng partido ay kanya itong susuportahan.


Sa karagdagan, sinasabing tatakbo umano bilang kongresista sa unang distrito ng Lungsod ng Davao si dating Vice Mayor Paolo 'Polong' Duterte.



READ and WATCH RELATED POST!