Hinikayat ni Father Reyes ang mga militar sa isang interview na mag rebelde sa pamahalaan para mapatalsik si Pangulong Duterte. Dapat raw ay isipin ng mga ito na taong bayan ang dapat panigan at hindi ang Diktadoryang Duterte.




Matatandaan ay hinimok din ng running Priest ang taongbayan na patuloy na ipagdasal si Senator Antonio Trillanes IV upang hindi panghinaan umano ng loob ang senador na ipagpatuloy ang kanyang paninindigan tungkol sa panggigipit ng gobyerno sa kanya.






Ayon kay Fr. Reyes lantaran na aniyang political harassment ang ginagawa ni Pangulong Duterte laban kay Trillanes kung saan inaasahan na umano na isusunod na naman ang lahat ng mga tumutuligsa sa Pangulo.


Napapanahon na aniyang magkaisa ang lahat ng mga oposisyon at lahat ng mga kritiko ng Pangulo upang isiwalat ang lahat ng mga kabulukan sa pamahalaan.




Paliwanag ni Fr. Reyes, hindi magkakaroon ng tunay na pagbabago sa gobyerno hanggat nanatili si Pangulong Duterte sa panggigipit sa lahat ng mga kritiko nito.